Monday, December 20, 2010

Mahiwagang Panaginip

Bill Patrick M. Familara
Mahiwagang Panaginip

Nanaginip ako noong isang gabi
Ang araw daw at buwan ay nagkatabi
Hindi ko lubos maunawaan ang silbi
Sa napakahiwagang sandali

Itim lahat ng bagay
Na pawang walang kabuhay-buhay
Walang ibang kulay na nagbibigay buhay
Sa paligid na nasasakluban ng lumbay

Itim na Ilog
Itim na Karagatan
Itim na Hangin
Na dumurumi sa magandang tanawin

Huni ng mga ibon
Ngayon ay nabaon
Sa hukay ng kahapon
Hindi na maiahon

Halimuyak ng mga Halaman
Nag-gagandahang Paru-paro
Bakit ngayo'y tila naglalaho
Ala-ala nga lamang ba ito ng kahapon?

Mahiwagang panaginip
Anong nais mong ipahiwatig?
Ako tuloy ay napapa-isip
Sa mensaheng naismong iparating.


Sunday, December 19, 2010

Elesi

Nung bata pa ako, lagi ako bumibili ng laruang elesi sa tindahan malapit harap ng aming paaralan sa bayan ng Odiongan sa probinsya ng Romblon. Palagi namin iyong pinaglalaruan ng aking mga kaibigan. May iba't-ibang kulay,samut-sarin disenyo, may higis tatsulok, hugis kahon at ang karamihan naman ay hugis bilog.  Ikinakabit namin ito kung minsan sa manibela ng bisikleta o 'di nama'y pinapahanginan sa bintilador. Sa probinsya, sadyang napakasarap maging bata. Naaalala ko pa nga nangongolekta pa kami ng samu't-saring disenyo ng laruang elesi, may lumilipad pag pinihit ang pindutan, may lumilipad din pag hinihila ang tali, may lumilipad pag pinaikot gamit ang dalawa natin kamay, ngunit ang pinakasikat ay yaong ini-ihipan lamang sa kadahilanang mas mura ito. Sadyang napakapayak lamang ang mga nilalaro namin noon, uso ng ang mga computer games subalit 'di naman makapaglaro ang aking mga kamag-aral dahil medyo may kamahalan pa ang paggamit noon. Nakokontento na kami sa paglalaro ng elesi.