Nagising ako sa dahil sa panaginip umaga ng Martes. Pauwi na daw kami noon sa bahay namin. Sumakay kami sa isang Tren. Halos dalawang araw ang byahe galing sa Manila patungo sa aming destinasyon. May kasama akong isang babae na pangalan ay Trish. Sa loob ng Tren, nakita ko si Charmagne, ang kaibigan at kamag-aral ko nung elementarya. Nag-kakamustahan kami, may sarili na syang buhay noon. Pagdating namin sa terminal, ay naglakad kami ni trish pa-akyat sa bundok. Habang naglalakad kami, may nakita akong isang Manila Paper na may mga nakasulat, kinuha ko ito at laking gulat ko na ang mga nakasulat duon ay ang iniulat ko dati sa paaralan habang nagkla-klase sa Araling Panlipunan. Laking taka ko lang kung paano napunta iyon duon. Kung halos 26 years na ang nakalipas. Nagpatuloy kami sa aming paglakad. Nang nangangalahati kami sa aming pag-akyat sa bundok, may nakita akong aklat, isang aklat sa Sipnayan, may nakasulat sa unang pahina na Hunyo 2 1992, nung una hindi ko alam kung para saan ang nakasulat. Habang naglalakad, napag-usapan namin ni Trish yung petsa sa aklat, yun pala ang petsa ng kaarawan ni Trish. Nagsimula na kaming maguluhan at mapa-isip na parang may nagsasadyang mag-lagay ng mga iyon sa aming daraanan. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang makita namin ang isang riles, na hindi nagagamit, medyo kinakalawang na,...
At nagising nalang ako bigla ng walang kadahilanan, at napaisip ako na napanaginipan ko na iyon dati. Posible bang maulit ang isang panaginip? Siguro nge pwede, kasi pangalawang beses ko ng napanaginipan yun eh, pero hindi tapos, lagi sa may riles ako nagigising. Ano kaya sa susunod na mapanaginipan ko yun, malalaman ko na kung bakit kami pumunta duon? hay...






0 comments:
Post a Comment