Pagkatapos ng Graduation ay tumungo kami ng Romblon upang magbakasyon, dumalo sa mga reunion at maglibot-libot sa bayan ng Romblon. Kinamukasan ay naglayag kami Papunta sa isla ng Boracay upang magliwaliw at maligo sa malinaw na dagat at mag lakad lakad sa puti nitong buhangin. Nilakad namin ang kahabaan ng dalampasigan upang mamasyal. Ang daming tao, ibat ibang lahi, ibat ibang kulay, ibat ibang salita... yan ang mga makikita at maririnig mo sa kahabaan ng dalampasigan ng Boracay. Doon, makakakita ka din ng mga magagaling na taong sumasayaw kasama ang apoy, mga taong nag sasaya na parang wala nang bukas pang darating, mga taong nang iisa na wari'y pinagsakluban ng kalungkutan. Isang araw at isang gabi lang ang nilagi namin sa Boracay at bumalik na kami sa isla ng Tablas. Sumakay ulit kami ng isang bangka na may motor at nag layag sa karagatan papunta sa bayan ng Sta. Fe sa Romblon upang bumisita sa mga lolo at lola namin doon. Ang lakas ng alon, para kaming nakasakay sa Rio Grande at Anchors Away ng Engchanted Kingdom. Tumagal din ng halos dalawang oras ang aming biyahe. Hindi sana kami magtatagal sa Sta. Fe ngunit sinabi nila na doon nalang daw kami matulog dahil mag papakatay sila ng Baboy. at doon nga kami nagpalipas ng gabi. Dahil sa darating na Sabado na ang kapistahan ng bayan, meron nang mga peryahan at mga tagtumpulan na tiange sa bayan. Ngunit parang kahit na papalapit na ang kapistahan sa kanila ay parang ang lungkot ng buhay doon. Mayat-maya may kuryente, mayat-maya ay wala. Ang tahimik ng buhay sa Sta. Fe, malayong-malayo sa buhay sa Cavite na magulo, maingay at madumi, doon, bihira kang makakita ng mga posters ng mga kandidato, walang umiikot na sasakyan na nag papatugtog ng jingel,hindi tulad sa Cavite na tugtog dito, tugtog diyaan, dikit dito, dikit dyaan... kahit nga ang Permaculture Site ng school namin, tadtad din ng mga larawan ng mga kandidato ang mga bakod. Kinabukasan ulit ay bumalik na ulit kami sa Odiongan. Duo'y upang maglibot libot muli sa bayang kinalakhan at mamili ng mga pasalubong sa mga kaibigan. Dahil kinabukasan din naman ay babalik na kami sa Cavite. Natulog kami sa Dulom, sa lolo at lola ko, sa bahay kung saan ako nanirahan ng halos Sampung taon... at dyan natatapos ang aming baksyon...
Thursday, April 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)





0 comments:
Post a Comment