Thursday, March 11, 2010

Sa Apat na Taon

Ang isa sa pinakamasayang buhay estudyante ay ang HS Life sabi nga ng karamihan. Ito ay ang Apat na taon na ginugol natin sa ikalawang antas ng edukasyon. Dito mo makikilala ang iyong mga kaibigan, mga kaibigan na lagi mong kasama tuwing masama ang loob mo kung kanino man. Mga kaibigang handang makinig sa mga problema mo. Sa loob ng apat na taon, hindi mawawala ang pagkakasamaan ng loob sa mga magkakaklase at mag kakabarkada. Sa apat na taon, ibat ibang pagsubok ang dinaranas, nariyan ang Investigatory Project, paggawa ng Documentary Film, di pagkakaunawaan sa mga guro, at marami pang iba. Sa Apat na taon, ibat-ibang kalokohan din ang ating mga nagawa... may kasunduang kaliwat-kanan, may DBG, may Pof, at marami pa... minsan ay nagagawan pa nga ng jingle ang mga guro at nababansagan pa ng kung ano-anong pangalan. Sa apat na taon, ay nalagpasan din natin ang mga pagsubok na ibinigay sa atin. Laging sinasabi ng aming mga advisers "sa labas, mas matindi pa" , "gawin nyo nalang for the sake of experience" para mas lalong maihanda kami pagdating ng kolehiyo. 

0 comments: