Monday, February 22, 2010

Kahirapan

Taon -taon maraming tao ang pumupunta sa ciudad sa pag-iisip na duon sila makakahanap ng isang magandang opurtunidad. Isang orpunidad na mag-aalis sa kanila sa kahirapan. Subalit hindi lahat ng tao ay nagtatagumpay. Maraming tao na galing sa iba't-ibang probinsya ang nagkalat sa paligid na naghihirap at walang makain. Hindi na nagawang makauwi dahil narin sa kakulangan ng pera na pampamasahe. May mga taong gagawin ang lahat para lamang kumita ng pera upang may maipang-tustos sa kanilang malaking pamilya. At marami din sa kanila ang umaasa na lamang sa tulong na binibigay ng gobyerno. Kahit sinong tanungin mo, Tindera, manglalako ng Lobo, Taho, at kahit kondoktor at barker ng dyip; lahat sila iisa lang ang nais, ang makaahon sa kahirapan. Nakakalungkot mang isipin na minsan lamang sila matulungan ng mga taong may katungkulan. Lagi nalamang silang nagagamit sa pagpapabango ng pangalan, upang makatakas sa mga kasalanang sila rin ang gumawa.

Hindi ang awa ang kailangan ng ating mga kababayang mararalita. Mas lalong hindi rin nila kailangan ng mga matatamis na salita na puro paasa lamang ang ibinibigay sa kanila. Ang kailangan nila ay aksyon, ang aksyong maghahatid ng pagbabago, pagbabagong mag-aalis sa kanila sa kahirapan.

Source Image: kiloskatotohanan.blogspot.com; http://4.bp.blogspot.com/_1PGUQCv7GWU/SbeDDKhGmFI/AAAAAAAAAEY/4MgeJt2_HVY/s320/Street+children.jpg

0 comments: