Wednesday, September 30, 2009

Hindi Pa Ba Tayo Nababahala?

Maraming mga kalamidad na ang tumama sa atin at maaaring tumama sa atin. Hindi natin ito ma-iiwasan, ngunit mapaghahandaan. Subalit, kahit gaano paman tayo kahanda ay hindi parin tayo makakaligtas sa hagupit ni Inang Kalikasang matagal na nating inaabuso. Ika-26 ng Setyembre taong 2009 nang hinagupit ni Bangyong Ondoy ang Kapitolyo at karatig lalawigan. Hindi pa nga ito ang pinakamalakas, ngunit sobrang pinsala naman ang iniwan sa buong Kamaynilaan.

Hindi pa ba tayo nababahala? Marami pang mas malalakas na bagyo ang darating saatin na may malakas pa sa hagupit ni Ondoy.  Ngayon na ang panahon upang maging tagapagligtas ng kalikasan. Huwag natin itong hayaang masira pang tuluyan, at sa huli ay tao rin ang mag durusa.

0 comments: