Sunday, August 16, 2009

Looking Forward to the Future

Ang mundo, tahanan ng mga tao, Halaman, mga Hayop, Mga Mikrobyo, mga Funji, at iba pa. Ang isang magandang paraiso na nahaharap sa isang malaking pagbabago. Pagbabago sa takbo ng buhay, ikot ng panahon, at pagkasira. Isang magandang Paraiso, na unti-unting namamatay dahil sa kagagawan nating mga tao. Dahil sa pag-aabuso natin sa kalikasan, ngayon tayo ay kanyang sinisingil sa ating mga nagawang kasalanan.

Pebrero 17, 2006 isang malaking pagguho ng lupa ang naglibing sa isang baranggay sa Leyte at pumatay sa halos 1,126 na katao (ayon sa Wikipedia.org), bata man o matanda. Hindi natin alam kung kailan tayo sisingilin ni Inang kalikasan, ngunit nararamdaman na natin ang kanyang galit.

Ngayon, nagsisimula nang matunaw ang mga yelo sa Hilaga at Silangng Polo ng mundo dahil sa tumataas na klima at ang magiging dahilan kung bakit may malaking posibilidad na lumubog maraming lugar sa mundo. Isang halimbawa na ay ang MALDIVES na naghahanda na sa panahong lumubog ang kanilang bansa sa karagatan ng Indian Ocean.

Maraming hakbang na ang ginagawa upang kahit papaano ay mapabagal pa ang paglala ng Global Warming, ilan na dito ang EARTH HOUR na naglalayong mabawasan ang kunsumo ng Fossil Fuel kahit sa loob lamang ng isang oras, ang KYOTO PROTOCOL na isang pang kalikasang kasunduan na nag lilimita sa mga bansang kasapi sa pagbuga ng mga Greenhouse gasses sa ating atmospera para umiwas sa dangerous anthropogenic interference.

Hindi pa huli ang lahat, may magagawa pa tayo. Huwag nating hayaan na masira ang ating kalkasan at baka sa huli ay mas malupit pa ang ganti nito sa atin.

-YUEHND

0 comments: