Sunday, August 9, 2009

Ang kwento ni Maxx

May isang natatanging pamilya sa bayan ng San Alponso, ito ang mga Constantin. Ang pinaka bata sa kanila ay si Maxx. Si Maxx ay anim na taong gulang palamang ngutit bugbog na ang kanyang katawan sa pagtratrabaho, hindi sya makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. May mga pangarap siyang nais makamit ngunit siyam silang magkakapatid ang panganay at ang pangalawa lamang ang nakapag-aral sa paaralan. Tuwing nalalapit ang eleksyon, may tumutulong sa kanya upang makapag-aral, ngunit pang isang taon lamang at pagkatapos ay hindi ulit sila pinapansin ng mga nahalal na opisyal. Sinisisi niya ang mga ito kung bakit naghihirap ang marami sa kanila. Pero kahit ganun paman ay hindi nawalan ng pag-asa si Maxx na makapag taos ng kanyang pag-aaral. Sa murang gulang, tinitiis na niya agad ang hirap ng buhay. Hindi na siya nakakapaglaro tulad ng mga ibang bata. Pero tinitiis niya ang lahat ng hirap upang may maidagdag sa kinikita ng mga magulang niya. Ganun ang buhay ni Maxx...

0 comments: