Monday, May 18, 2009

Pagkabagot

2:34 ngayung araw ng simulan ko magsulat sa blog na ato, hindi namn ito ang kauna-unahan pero ito ang unang beses na nagsulat ako sa araw na ito.

2:36 na pero ito palang ang nasusulat ko, di ko nga alam siguro wala lang talaga ako masabi. Wala talaga akong mapaglaanan ng oras ko ngayon. Parang ang isang minuto ay katumbas ng dalawang minuto. Parang bumabagal ang takbo ng oras. Habang tumatagal ang oras ay tumatagal din ang nararamdaman kong init na dulot ng init na ibinibigay ng araw. Sobrang init, parang hindi normal.

2:39 palang limang minuto palang akong nag susulat pero pakiramdam ko halos kalahatining minuto na ako nagsusulat sa blog na ito. sobra talaga akong nababagot ngayon. Tinatamad naman akong magbukas ng friendster, yung Plurk naman parang konti lang ang naka online, parang walang active ngayung oras na ito.

2:42 na kaso saglit palang ang nakakaraan. Dahilan lang talaga na wala akong magawa ngyun. Nakakabagot, sobra. Ang ginanagawa ko nalang sinusulat ko lahat ng pumapasok sa utak ko, sa isipan ko. Wala kasi akong makausap eh.

2:45- bubuksan ko muna yung Plurk....

2:47 wala namang nangyari. Ayun ganun parin simula ng mag sign out ako kanina. Hay nako. Wala ba talagang magagawa? "Eh, ano ang ginagawa mo ngayun?". Tanong ko sa aking sarili. nag susulat ako sa blog na ito para lang may magawa kahit walang saysay ang mga sinusulat ko...

2:50 na pangako maliligo na akko pag sapit ng ika-3 ng hapon. Pero ngayun, may nag uusap sa paligid ko. May nanonood ng TV. May nag Cocomputer, at May mga naglalaro ng Video Games. Sa Maikling panahon na nagsusulat ako, nalaman ko na mahalaga ang panahon at hindi dapat sayangin, dahil hindi ito penikula na puwedeng ulit-ulitin kung may gustong balikan.

2:53 palang, ang bagal talaga ng takbo ng oras ngayun. Pinagpapawisan na ako. Pero ano magagawa ko hindi natin hawak ang panahon. Ika nga "Life is too short" bawat sandali ay sinasamantala walang inaaksayang panahon.

2:55 hehehe kadad

0 comments: